Saturday, March 31, 2007

Among Ed Panlilio's Platform of Government


ANG PLATAPORMA DE GOBYERNO NI AMONG ED PANLILIO

Daing ng mga Maralita, Ihatid sa Kapitolyo!

Sama-sama nating maisusulong ang kapakanan ng mga Kapampangan sa pamamagitan ng:

1. Matuwid, malinis at mapagkakatiwalaang pamamalakad sa gobyerno (Transparent & Accountable Governance)

- Ibigay sa tao ang katumbas na serbisyo sa bawat sentimong buwis na nakokolekta mula sa kanila

- Malinis, malinaw at hayag na pakikipag-transaksyon sa lahat na dumadaan sa tamang proseso ayon sa nakatakda sa batas

2. Malawakang partisipasyon ng iba’t-ibang sektor ng lipunan sa pagbuo at pagpapatupad ng mga plano (Civic participation)

- Pakikipag-pulong at pakikipag-dayalogo sa iba’t-ibang sektor upang mabigyang pansin ang kani-kanyang mga problemang dapat tugunan

- Pagbubuo ng isang konsehong kinabibilangan ng mga kinatawan ng lahat ng sektor sa lipunang Kapampangan upang mabigyang hugis at maipatupad ang Provincial Development Plan ng Pampanga

3. Makabago at naaangkop na pamamaraan ng pagtugon sa mga problema ng lipunang Kapampangan (Social innovation)

- Suporta hindi limos para sa mga mahihirap na pamilya sa pamamagitan ng programang micro-financing

- Pantay-pantay na pagkakataon para sa lahat nang hindi isinasaalang-alang ang kasarian, relihiyon at lahi

- Maigting na pagpapahalaga sa ating kalikasan at sa Kulturang Kapampangan

4. Mahusay at maaasahang pamamahala (Efficient and effective governance)

- Murang serbisyong pangkalusugan; mahusay na kalidad ng edukasyon; disente at sapat na kabuhayan; malusog na kapaligiran; maunlad na telekomunikasyon at imprastruktura – mga sangkap ng isang maunlad, malaya, at mapayapang Pampanga

- Gobyernong masasandalan at handang magbigay ng sapat at akmang suporta sa mga industriyang nagpapalakad sa ekonomiya ng Pampanga gaya ng agri-aqua industry, furniture at garments industry, manufacturing industry, food industry, manpower development and service industry at iba pa

Ang lahat ng ito ay may tunguhin na: PAG-ANGAT NG ANTAS NG KABUHAYAN NG MGA TAO LALO NA NG MGA MARALITA (Poverty Alleviation)